Hinimok ni Caritas Philippines President at Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang mga nanalong kandidato sa katatapos na Barangay and Sangguniang Kabataan elections na pagsilbihan ng maayos ang kanilang mga constituents.
Kailangan aniyang isaalang-alang ng mga nanalong kandidato ang ‘best interest’ ng mga pagsisilbihang mamamayan, at iwasang unahin ang kanilang personal interest.
Ayon kay Bishop Bagaforo, malaki ang papel na ginagampanan ng mga opisyal ng brgy at ng mga SK officials para matiyak na magbebenepisyo ang mga residente ng Brgy sa mga programa ng national government.
Dahil dito, mainam aniyang unahin ang kapakanan ng nakararami, sa kanilang desisyon at pagbuo ng mga programa na kailangang ipatupad ssa kani-kanilang barangay.
Hinikayat din nito ang mga nanalo na makipagtulungan sa mga residente upang mai-angat ang kalidad ng kanilang buhay.
Samantala, nagpasalamat din si Bishop Bagaforo sa mga tumulong upang matiyak na maging maayos ang halalan.
Kinabibilangan ito Commission on Elections (COMELEC), Philippine National Police, volunteers ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), mga guro, AFP, at lahat ng mga volunteer.