-- Advertisements --

Namayagpag ang bench players ng Indiana Pacers para ganap na idespatsa ang Milwaukee Bucks sa Game 6 ng Eastern Conference.

Nagtapos ang kanilang laban sa 120-98, pabor sa Pacers, para maitala ang 4-2 lead sa best-of-seven series.

Umiskor si Obi Toppin ng 21 puntos at si T.J. McConnell naman ay nagdagdag ng 20 na sapat para maalis sa landas nila ang Bucks.

Sa ngayon ay tanging ang Pacers, Celtics at Knicks pa lang ang secured para sa second round ng Eastern Conference.

Habang Thunder, Timberwolves at Nuggets naman ang nag-aabang na sa Western Conference ng NBA.