-- Advertisements --
Lubos ang pasasalamat ng bandang Ben&Ben matapos na makamit nila ang 1 billion stream sa Spotify.
Sa kanilang social media account inanunsiyo 9-member band ang panibagong achievement.
Pinasalamatan nila ang kanilang mga fans dahil sa patuloy na pagtangkilik sa kanilang mga kanta.
Kasama sa nasabing bilyon stream ang kanilang kanta, self-titled EP at ang album na “Limasawa Street”.
Nangunguna ang kanta ng grupo na “Kathang Isip” na mayroong 160 milyon stream, na sinundan ng “Maybe The NIght” na mayroong 139 milyon, “Pagtingin” na mayroong 98 milyon na streams, “Leavses” na mayroong 76 milyon at “Make it With You” na mayroong 68 milyon streams.