bEN AND bEN
Ben & Ben/ FB image

Magsasagawa ng online concert ang bandang Ben&Ben para makakuha ng pondo sa mga lumalaban sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Isasagawa ang “Puhon” online concert sa darating na Marso 27 ganap na 7:00 ng gabi sa kanilang Facebook page.

Ilan sa mga puwedeng gawin ng mga fans ay magbigay ng mga mensaheng magpapalakas ng loob ng mga frontliners o magbigay ng mga donasyon na pambili sa mga gagamitin ng mga medical health workers.

Tutugtog ang mga ito sa kani-kanilang mga bahay dahil hindi sila puwedeng magsama bunsod na mahigpit na ipinapairal na community quarantine.

Ilan sa mga mabebenepisyuhan ng mga malilikom na pondo ay sa University of the Philippines-Manila National Institute of Health, Vicente Sotto Memorial Medical Center, One Nation Against COVID-19 Project, CDO COVID Donation Drive at PantawidCovid Project.