-- Advertisements --

Tinambakan ng San Miguel Beermen ang Phoenix Super LPG 117-96 sa Christmas Day ng PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Dahil sa panalo ay tiyak na ang puwesto ng Beermen sa quarterfinals.

Nanguna sa panalo ng Beermen si Terrence Romeo na mayroong 22 points.

Nagtala naman ang import ng Beermen na si Bennie Boatwrightng 26 points at 16 rebounds.

Mayroon ng anim na panalo at tatlong talo ang Beermen habang ang Phoenix ay nasa pangalawang puwesto na mayroong pitong panalo at dalawang talo.