-- Advertisements --

Hindi pinaporma ng San MIguel Beermen ang Terrafirma 122-102 sa kanilang paghaharap sa PBA Governors’ Cup.

Bumida sa panalo ng Beermen si Cameron Clark na nagtala ng 31 points, 13 rebounds, apat na assists at tatlong blocks.

Mayroon namang 20 points, 11 rebounds at anim na assists si CJ Perez para maitala ng Beermen ang ikatlong sunod na panalo nila.

Pinuri ni Beermen coach Jorge Gallent ang import nila na si Clark dahil sa ipinakitang sakripisyo nito sa laro.

Umabot pa sa 22 points ang kalamangan ng Beermen hanggang napababa ng Dyip ang kalamangan sa pitong puntos subalit hindi hinayaan ng Beermen na malusutan pa sila ng Dyip.

Nasayang naman ang nagawang 30 points ni Jordan Williams at 20 points ni Juami Tiongson.