-- Advertisements --

Hindi pinaporma ng San Miguel Beermen ang Macau Black Knights 110-94 sa nagpapatuloy na PBA 50th Season Commissioner’s Cup.

Ito ang unang panalo sa bagong import nila na si Justin Patton kapalit ni Marcus Lee sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Nanguna sa panalo ng Beermen si Cjay Perez na nagtala ng 26 points habang mayroong 24 points at 17 points si Patton.

Mayroon ng dalawang panalo at dalawang talo ang Beermen habang ang Macau ay wala pang panlao at mayroon ng limang talo.

Sinabi ni San Miguel coach Leo Austria na kinailangan nilang maitala ang panalo dahil matapos ang pagkatalo nila sa TNT 118-92 nitong araw ng Sabado.