-- Advertisements --

Pasok na sa semifinals ng PBA Commissioner’s Cup ang San Miguel Beermen.

Ito ay matapos malusutan nila ang Rain or Shine Elasto Painters 127-122 sa laro na ginanap sa Philsport Arena sa lungsod ng Pasay.

Bumida sa panalo ng Beermen si Bennie Boatwright na nagtala ng 41 points habang mayroong 20 points si Jericho Cruz.

Pinuri ni Beermen Head coach Jorge Gallent si Boatwright dahil sa pagpursige nito para manalo sila.

Nakapag-ambag din ng 15 points si Terrence Romeo habang mayroong 14 points si Chris Ross, 11 points naman ang naitala ni June Mar Fajardo at 10 points ang nagawa ni CJ Perez.

Nasayang naman ang nagawang 22 points, 10 rebounds at walong assist ni Tree Treadwell pa ra sa Rain or Shine.