-- Advertisements --
Nilampaso ng San Miguel Beermen ang Converge FiberXers 121-105 para tuluyang makapasok sa semifinals ng PBA Governors’ Cup na ginanap sa Araneta Coliseum.
Bumida sa panalo si Cameron Clark na nagtala ng 40 points habang mayroong 26 points at 12 reobunds si CJ Perez.
Nag-ambag naman ng 20 points si Vic Manuel bilang pamalit kay June Mar Fajardo.
Sinabi ni Beermen coach Jorge Gallent na pinaghandaan nila ang bagong import ng Converge na si Tom Vodanovich.
Dagdag pa nito mas magiging matindin ang gagawin nilang paghahanda para sa semifinals ng nasabing torneo.