-- Advertisements --

Nilampaso ng San Miguel Beermen ang Phoenix Super LPG 114-93 sa nagpapatuloy na 2023 PBA Governors’ Cup na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo.

Ito ang unang panalo ng bagong coach ng Beermen na si Jorge Gallent na pumalit kay Leo Austria.

Nanguna sa panalo ng Beremen ang import nila na si Cameron Clark na mayroong 23 points habang si six-time Most Valuable Player June Mar Fajardo ay mayroong 19 points at 13 rebounds.

Nagtala rin ng 16 points si Allyn Bulanadi na siyang unang laro niya sa Beermen.

Mula sa simula ay kontrolado ng Beermen ang laro kung saan umabot pa sa 33 points ang kanilang kalamangan.

Dahil sa pagkatalo ay wala pang panalo at mayroon ng tatlong talo ang Phoenix habang ito ang unang panalo ng Beermen mula ng magsimula ang bagong season ng PBA.