-- Advertisements --

Nalusutan ng San Miguel Beermen ang Barangay Ginebra 92-90 para makuha ang unang panalo sa semifinals ng PBA Commissioner’s Cup.

Nanguna sa panalo ng Beermen si CJ Perez na nagtala ng 26 points habang mayroong 23 points si Bonnie Boatwright at 18 points ang naitala ni June Mar Fajardo.

Sa simula hanggang sa unang bahagi ng last quarter ay hawak ng Ginebra subalit hindi hinayaan ng Beermen na maisahan sila at nakuha nila ang lamang 90-85 sa natitirang 2:35 minuto ng laro.

Pinasalamatan ni San Miguel coach Jorge Gallent ang kaniyang mga manlalaro dahil sa naging panalo nila kontra sa Ginebra.