-- Advertisements --

Nakuha ng San Miguel Beermen ang kampeonato ng 2022 PBA Philippine Cup matapos tambakan ang TNT Tropang Giga 119-97.

Tinanghal bilang PBA Press Corps Finals Most Valuable Player sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum sa harap ng 15,915 audience.

Nanguna sa panalo ng Beermen si CJ Perez na nagtala ng 25 points habang si June Mar Fajardo ay nagtala ng 19 points at 18 rebounds.

Ito ang muling pagkampeon ng Beermen matapos ang tatlong taon mula noong 2019 ng limang magkasunod na taon ng sila ay itanghal sa kampeonato.

Naging malaking hamon para sa TNT ang laro dahil sa hindi nila nakasama ang kanilang coach na si Chot Reyes matapos magpositibo sa COVID-19.

Nasayang naman ang nagawang 32 points ni Jayson Castro habang mayroong 22 points naman si MIkey Williams para sa TNT.