-- Advertisements --
Naging masaklap ang pagkatalo ng San Miguel Beermen sa kamay ng Blackwater 109-106 sa nagpapatuloy na 2022 PBA Commissioner’s Cup.
Bumida sa panalo ang import ng Blackwater na si Cameron Krutwig na nagtala ng 20 points, 18 rebounds at 10 assists.
Nakalamang ang Bossing ng isang puntos ng pumasok ang three-points shot ni Baser Amer sa natitirang 31.7 seconds hanggang lumawig pa ang lamang nila sa pamamagitan ng layup ni Mike Ayonayon.
Nasayang naman ang nagawang 20 points, walong rebounds ni Beermen import Diamond Stone at ang 23 points, 16 rebounds ni June Mar Fajardo.