-- Advertisements --
Hawak na San Miguel Beermen ang unang puwesto sa 2022 PBA Philippine Cup.
Tinalo kasi ng Beermen ang Rain or Shine 99-93 sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum.
Mayroon ng limang panalo at isang talo ang Beermen habang mayroong isang panalo at limang talo ang Rain or Shine.
Umabot pa sa 11 points ang lamang ng Beermen sa first half hanggang nahabol ito ng Rain or Shine.
Nanguna sa panalo ng Beermen si Rodney Brondal na nagtala ng 16 points, walong rebounds at isang assists haban mgyroong 21 points, limang assists, at apat na rebounds si CJ Perez.










