-- Advertisements --

Patuloy ang pamamayagpag ng San Miguel Beermen sa PBA Governors’ Cup matapos na talunin nila ang Rain or Shine 129-116 sa laro na ginanap sa Philsport Arena sa Pasig City.

Bumida sa panalo si Vic Manuel na nagtala ng 23 points habang mayroong tig-20 points sina Cameron Clark, Marcio Lassiter at CJ Perez.

Nag-ambag naman ng 23 points at 13 rebounds si Mo Tautuaa.

Nasayang naman ang nagawang 23 points, 10 rebounds at anim na assist si Gian Mamuyac.

Mayroon ng siyam na panalo at dalawang talo ang Beermen habang mayroong dalawang panalo at siyam na talo ang ElastoPainters.