-- Advertisements --

Kinumpirma ng talk show host Boy Abunda na hiwalay na ang actress na si Bea Alonzo at nobyong Dominic Roque.

Sinabi nito na nakausap niya ang talent manager na si Ogie Diaz at isa ito sa nagkumpirma sa kaniya.

Labis na ikinalungkot ni Abunda ang nasabing balita dahil kapwa malapit ang dalawa sa kaniya.

Itinanggi din ng talk show host na magaganap ang kasal ng dalawa sa Abril sa Tagaytay.

Umaasa ito na maaayos ng dalawa ang kanilang gusot at sila ay magkabalikan.

Noong 2021 ng magsimula ang relasyon nila at noong Hulyo 2023 ay inanunsiyo ng actress ang kanilang engagement.