-- Advertisements --

Nakisama si President-elect Ferdinang Marcos Jr. sa maraming nagpaabot nang pagbati sa kaarawan kanyang naging ka-tandem sa nakalipas na halalan na si Vice President-elect Sara Duterte-Carpio.

Sa kanyang social media account, kasama sa greetings ni Marcos ang pagtawag niya sa alkalde bilang “BFF,” na ang ibig sabihin ay “best friend forever.”

Sinabi pa sa birthday greetings ni Marcos ang pagbati kay Mayor Sara bilang “madam vice president at cheers sa best runningmate.”

Ang presidential daughter ay nagdiriwang ngayon ng kanyang ika-44 na kaarawan kung saan ipinanganak siya noong taong 1978.