BAGUIO CITY – Inaabangan na ang performance ni Binibining Pilipinas Globe Leren Mae Bautista sa Miss Globe 2019 na magaganap sa Oktubre 21 sa Albania.

Sa panayam ng Star FM Baguio sa official stylist at creative director ni Leren na si Vhee Co, ibinahagi nito na naging matindi ang paghanda ng pambato ng Pilipinas para sa nasabing pageant.

Naniniwala rin ito na ang mga katangian ni Leren bilang isang simple ngunit palaban na dalagang Pilipina ang magpapanalo sa kanya sa kompetisyon.

“Leren represents a Filipina Barbie doll, and aside from her stunning looks and figure, she represents the Filipino values. She is a very simple girl but when she is on stage, she will give you an outstanding show. Parang tayong mga Pilipino, tahimik pero pag lumalaban, sobrang bongga. She always makes sure that she is giving her best in everything . Tayong mga Pilipino, ganun tayo kapag lumalaban. We always make sure na lumalaban tayo ng tama at patas. You know, that’s some of the traits that I love about Leren.”

Nagpaabot rin ito ng pasasalamat sa lahat ng mga patuloy na sumusuporta sa beauty queen.

“Lubos po kaming nagpapasalamat at patuloy na humihingi ng suporta sa inyong lahat para sa ating kandidata na si Ms. Leren Mae Bautista as she competes for Miss Globe 2019 in Montenegro. Maraming salamat po.”

Tatangkaing sundan ni Leren ang first Miss Globe win ng Pilipinas na naiuwi ni Ann Colis noong 2015.

Ang Miss Globe 2019 ang una sa anim na international pageants na lalahukan ng mga binibini queens ngayong taon.