-- Advertisements --

Maraming local government units ang umaapela sa pamahalaan na ipagpatuloy lang ang Bayanihan, Bakunahan nationwide COVID-19 vaccination drive, ayon kay Nat’l Vaccination Operations Center chairperson Usec. Myrna Cabotaje.

Ito aniya ang dahilan kung bakit pinalawig hanggang bukas, Disyembre 3, ang Bayanihan, Bakunahan vaccination drive mula sa orihinal na schedule nila na mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1 lang dapat.

Ayon kay Cabotaje, karamihan sa mga LGUs na umaapelang palawigin ang nationwide vaccination drive na ito ay mula sa BARMM.

Nabatid na target ng pamahalaan na makapagturok ng 9 million COVID-19 vaccines sa kasagsagan ng Bayanihan, Bakunahan nationwide vaccination drive na ito.

Base sa mga datos, nasa mahigit 5 million bakuna ang naiturok sa unang dalawang araw ng naturang programa.

Nauna nang sinabi ng pamahalaan na magkakaroon pa ulit ng phase 2 ang naturang programa sa kalagitnaan ng Disyembre.