-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Ilang bahay ang naging apektado sa Surallah, South Cotabato, matapos sinalanta ng malakas na pag-ulan na may kasamang yelo at malakas na hangin.

Ito ang kinumpirma ni Jun Caijo ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa Surallah sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Caijo, tatlong bahay at isang rice mill ang naapektuhan kung saan nasira ang bubong ng mga ito.

Marami puno pa ang natumba sa gilid ng daan patungo sa bayan ng Sto. Nino.

Pansamantalang ding nawalan ng suplay ng kuryente ang ilan sa bahagi ng parehong bayan

Dahil dito, nagkaaberya ang iba’t ibang gawain ng mga residente dulot ng black-out.

Samantala, nagpasalamat si Caijo dahil walang may naitalang injury sa kabila ng kalamidad.

Magpapatuloy naman ang kanilang assessment sa ilang lugar na apektado upang malaman ang kabuuang pinsala.