Nananatili pa rin sa state of calamity ang bayan ng Calumpit, Bulacan dahil sa mga pagbaha na dala ng Super Typhoon Egay at mga sumunod pang mga bagyo at sama ng panahon.
Unang isinailalim sa state of calamity ang Calumpit noong Hulyo 30 matapos ang 85% ng 115,000 residente ng bayan ay naapektuhan ng baha.
Nagpatupad ng shifting schedules ang mga paaralan sa Calumpit na naapektuhan ng baha upang magamit ng mga estudyante ang mga silid-aralan na hindi naman binaha.
Sinabi ng mga opisyal ng Bulacan na hindi pa inaalis ang state of calamity dahil nananatiling nasa ilalim ng 1-4 talampakan ng tubig ang bayan dahil sa pagtaas ng tubig.
Hindi bababa sa 2 barangay ang nananatiling hindi madaanan ng mga sasakyan.
Dagdag dito, ang mga klase sa lahat ng antas para sa parehong pampubliko at pribadong paaralan ay sinuspinde na rin dahil sa malawakang pagbaha.
Una nang sinabi ng mga awtoridad na maaaring tumagal ng isang linggo bago tuluyang mawala ang baha sa naturang lugar.