-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patay na nang matagpuan ng mga otoridad ang isang sinasabing lider ng militanteng grupo na Bayan Muna sa Sto. Niño Norte Arevalo, Iloilo City.

Kinilala ang biktima na si Jory Porquia, 60, at coordinator ng grupo sa lungsod.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni police Col. Hilarion Roga, hepe ng SOCO-Regional Crime Laboratory na nagtamo ng siyam na tama ng baril sa katawan si Porquia.

Natukoy ang baril na ginamit matapos makita ang mga basyo ng bala ng 9-mm at calibre 22.

Sa ngayon patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa kaso.

Sinasabing apat na armadong lalaki ang umatake sa biktima habang nasa loob ng iuupahang beach house.