-- Advertisements --

Tinambakan ng Bay Area Dragons ang Blackwater Bossings 133-87 sa 2022 PBA Commissioner’s Cup na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Ang Dragons na siyang guest teams sa PBA ay tinambakan agad ang mga Bossings sa simula pa lamang ng laro 36-19.

Sinabi ni Bay Area coach Brian Goorjian na naging epektibo ang ipinatupad niyang depensa sa mga Bossings players.

Bumida sa panalo ng Dragons si Myles Powell na nagtala ng 41 points habang 22 points naman si Glen Yang.

Nalimitahan lamang sa 11 points si Blackwater import Cameron Krutwig habang mayroong 13 points si Ato Ular.