-- Advertisements --

Nagsimula ng magpatupad ng bawas presyo ang mga kumpanya ng liquefied petroleum gas (LPG).

Dakong 12:01 ng hatinggabi ng unang araw ng Abril ng simulan ng Petron ang P9.20 per kilo na rollback sa kanilang household LPG.

Ang nasabing bawas presyo ay katumbas ng P101.2 sa 11 kilogram na LPG tank.

Maging ang Auto LPG ay mayroong bawas na P5.14 kada litro.

Inanunsiyo rin ng kumpanyang Solane ang P9.18 na bawas sa kada 11 kilogram na LPG tank na nagsimula ng ala-6 ng umaga na katumbas ito ng P100.98 sa kada 11 kilogram na tangke.

Itinuturing na dahilan ng rollback ng LPG ay dahil sa pagbaba ng international contract price ng LPG.