-- Advertisements --
Magpapatupad ng bawas presyo ng kanilang produkto ang mga kumpanya ng langis.
Sinimulan na ng Phoenix Petroleum nitong Sabado ang P2.00 na bawas presyo sa kada litro ng diesel at P1.60 naman sa kada litro ng gasolina.
Sa Martes naman Pebrero 4, magpapatupad ng bawas presyo ang kumpanyang Shell at Petro Gazz kung saan mayroong P2.00 bawas din sa kada litro ng diesel at P1.60 na bawas sa kada litro ng gasolina.
Nagbawas naman ang Shell ng P2.45 sa kada litro ng kerosene.