LEGAZPI CITY- Nakaalerto na ang buong pwuersa ng Batuan Municipal Police para sa patuloy na paghahanap sa suspek sa pag-massaccre sa tatlong magkakamag-anak sa Barangay Nasandig, Masbate kabilang na ang dalawang menor de edad.
Ayon kay Police Capt. Alfredo Lastrella Jr. sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, nakikipag-tulungan naman sa kapulisan ang pamilya ng suspek na si Gaspar Doktor para sa agad na pagkaka-aresto nito.
Una nito, nagkaroon ng family gathering ang mga biktima at niyaya sa inuman ang suspek subalit nag-init umano ang ulo nito ng maghanap ng nawawalang wallet si Rose Jane Riño hanggang sa magkaroon ng mainit na argumento bago umalis sa lugar.
Subalit ng pag-uwi nina Riño, inabutan nito sa kanilang tahanan na pinagtataga na ang isa sa mga pinsan at dalawang menor de edad na biktima.
Nilinaw rin ni Lastrella na walang katotohanan ang unang mga ulat na ginahasa ang pitong taong gulang na biktima bago pinagtataga.
Kilala aniya ang suspek na si Doktor bilang tahimik na tao at hindi pala-labas subalit masumpungin umano at hindi napipigilan tuwing nagagalit.
Samantala, sa hiwalay na panayam kay Philippine Charity Sweepstakes Officed (PCSO) Board Member Sandra Cam, nag-alok na ito ng P50,000 na pabuya sa sinumang makakapag bihay ng impormasyon sa kinaroroonan ng suspek sa karumal-duman na krimen.