Nakatakdang bumalik sa ring ang batikang One Championship player na si Danny Kingad, matapos ang mahabang panahon na hindi nito paglalaro.
Ito ay matapos makumpleto ang kontrata sa laban nina Kingad at Hu Yong na gaganapin sa Oktubre-7 sa bansang Thailand.
Paglalaban ng dalawa ang flyweight belt ng One Championship.
Si Kingad ay kasalukuyang may hawak na 15 – 3. isa rito ay knockout habang 2 ay sa pamamagitan ng submission.
Hawak naman ni Hu Yong ang record na 11 – 4, kung saan ang pinakahuling panalo niya ay laban sa pinoy martial artist na si Geje “Gravity” Eustaquio.
Huling lumaban si Kingad noong kakasimula pa lamang ng 2023 laban kay Kairat Akhmetov ngunit natalo siya. Ngayon pa lamang muling babalik ang Team Lakay fighter
Sa kasalukuyan, pangatlo siya sa One Championship Flyweight Division.