-- Advertisements --

Pormal nang nilagdaan bilang batas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 11984 o ang “No Permit, No Exam Prohibition Act” sa lahat ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa bansa mula elementarya, hanggang technical-vocational institutions.

Sa ilalim ng batas na ito ay minamandato ang lahat ng mga paaralan sa bansa na pahintulutanan ang mga estudyante na hirap na makabayad ng matrikula na makapag-take pa rin ng kanilang periodic at final examinations nang hindi na kinakailangan pa ng permit.

Samantala, kaugnay nito ay inatasan naman ng pamahalaan ang Department of Social Welfare and Development na tukuyin ang mga mag-aaral na kabilang sa ikokonsiderang “disadvantage students”.

Kung saan bibigyan ng ahensya ng certificate ang mga apektadong mag-aaral na biktina ng kalamidad, mayroong kinakaharap na emergencies, force majeure, at iba pang mga good and justifiable reasons sa pasok sa rules and regulations na itatakda ng DSWD.

Bukod sa pagpapahintulot sa naturang mga mag-aaral na makakuha ng pagsusulit, ay minamandato rin sa naturang batas na payagan ang mga ito na makuha ang kanilang relevant records at credentials.

Gayunpaman, ang mga paaralan ay awtorisadong mag-atas ng pagsusumite ng isang promissory note, pag-hold ng mga rekord at kredensyal ng mga mag-aaral, at gumamit ng iba pang mga legal at administratibong remedyo para sa pangongolekta ng mga bayarin.

Samantala, magiging epektibo naman ang naturang batas 15 araw pagkatapos ng publication nito sa Official Gazette.