-- Advertisements --
Lumakas ang hinala ng mga fans ni Kris Aquino sa totoong relasyon niya kay Batangas vice governor Mark Leviste.
Sa social media account kasi ni Leviste ay nagpost ito ng larawan na kasama ang tv-host actress at anak nitong si Bimby at designer na si Michael Leyva.
Makikita na namasyal ang mga ito sa Fashion Island sa Newport Beach, California.
May isang larawan rin na bumibili pa ito ng mga damit habang binabantayan ni Leviste.
Magugunitang naging usap-usapan na mayroong namumuong relasyon sa dalawa ng dalawin ni Leviste ang actress habang ito ay nasa pagamutan sa US.