-- Advertisements --
Muling niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang bayan ng Calatagan Batangas.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naramdaman ang pagyanig sa ilang lugar sa Cavite, Oriental at Occidental Mindoro.
Ang epicenter ay ay natukoy sa layong 17 kilometro sa Timog-Kanluran ng Calatagan, kung saan umaabot sa 80kilometers ang lalim nito.
Umabot sa intensity 2 ang naramdaman sa Tagaytay City, Cavite; Puerto Galera at Calapan City, Oriental Mindoro.
Habang intensity 1 naman sa Bauan, Batangas City, at Lemery, sa Batangas; Magallanes, Cavite; Magsaysay at Abra De Ilog sa Occidental Mindoro.
Tectonic naman ang itinuturong dahilan ng nasabing pagyanig.
Samantala, wala namang inaasahang pinsala na idudulot ng nasabing lindol.