-- Advertisements --

Napanatili ng severe tropical storm Siony ang kaniyang lakas.

Ayon sa PAGASA, nakita ang sentro ng bagyo sa may 670 kilometers silangan ng Basco, Batanes na may dalang hangin ng 95 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 115 kph.

Mabagal ang paggalaw nito sa kanlurang bahagi ng bansa.

Dahil dito ay nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal number 1 sa Batanes, Santa Ana at Gonzaga sa Cagayan; silangang bahagi ng Babuyan Islands gaya ng Balitang Island, Babuyan Island, Didicas isl at Camiguin Island.

Inaasahan na tuluyan ng lalabas sa Philippine Area of Responsibility si Siony sa araw ng Biyernes.