-- Advertisements --
Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number one (1) sa lalawigan ng Batanes, kahit papalabas na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang tropical cyclone Hanna.
Inaasahang ganap na lalabas ito sa Philippine territory ngayong araw.
Huling namataan angf sentro ng bagyo sa layong 265 km hilagang kanluran ng Itbayat, Batanes.
Kumikilos ito nang patimog-timog-kanluran sa napakabagal na pag-usad.
Taglay pa rin ng naturang sama ng panahon ang lakas ng hangin na 120 kph at may pagbugsong 150 kph.