CAUAYAN CITY- Patay ang 1 anyos na bata matapos mabangga ng isang sasakyan sa barangay San Macario, Delfin Albano, Isabela.
Ang biktima ay isang batang babae na residente ng Purok 3, Brgy. San Macario, Delfin Albano, Isabela.
Ang tsuper ng puting Hyundai Reina na may conduction sticker K1H159 na nakabangga sa bata ay si Creselvic Allauiga, 24 anyos, binata, walang trabaho at residente rin ng San Macario, Delfin Albano, Isabela.
Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya na ang sasakyan ay binabagtas ang nasabing lansangan nang biglang tumawid ang bata na nagresulta upang mabangga ng sasakyan.
Nagtamo ng sugat sa katawan ang biktima na kaagad dinala ng tsuper ng nakabanggang sasakyan sa pagamutan ngunit namatay habang nalalapatan ng lunas dahil sa malubhang sugat sa katawan.
Ang tsuper ng sasakyan ay nasa pangangalaga ng pulisya para sa kaukulang disposisyon