-- Advertisements --
Tinambakan ng Barangay Ginebra ang Terrafirma 106-82 sa nagpapatuloy na 2022 PBA Philippine Cup.
Ginamit ng GinKings ang 18-1 run sa kalagitnaan ng third quarter at mula noon ay hindi na nila pinabayaang makahabol pa ang Terrafirma.
Nanguna sa panalo ng Gins si Japeth Aguilar na mayroong 22 points, anim na rebounds at pitong blocks habang mayroong 18 points, 10 rebounds at pitog assists si Christian Standhardinger.
Dahil sa panalo ay tabla na sila ng San Miguel Beermen na nasa unang puwesto na mayroong anim na panalo at isang talo.










