-- Advertisements --
image 119

Hindi na nakaligtas pa si Barangay Zone 10 chairman Erasmo Divino Hernandez, matapos pagbababarilin ng isang riding in tandem kaninang umaga.

Batay sa inisyal na impormasyong inilabas ng Kampo Crame, mismong sa harap ng kaniyang tahanan sa bahagi ng Taal, Batangas pinagbababaril ng mga suspek na sakay ng motorsiklo ang biktimang barangay chairman na nabatid na isang re-electionsist sa darataing na 2023 BSKE.

Kasunod nito ay nagawa pang maisugod sa pagamutan ang naturang biktima ngunit ito ay binawian na ng buhay.

Samantala, sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang follow up operation ng Taal Police sa mga salarin kasabay ng pagkakasa ng imbestigasyon upang alamin ang motibo sa likod ng nasabing krimen.