-- Advertisements --

Nais ng ilang kongresista sa 19th Congress na isagawa ang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) election ng hindi lalagpas sa Mayo sa susunod na taon.

Kapwa nagpahayag ng pagpabor sina Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel at Quezon City 2nd District Rep. Ralph Tulfo sa postponement ng pagsasagawa ng barangay at SK elections na nakatakdang isagawa sa Disyembre 5 ng kasalukuyang taon.

Giit ni Congressman Manuel na dapat ipagpatuloy ang halalan para sa Barangay at SK upang umusbong ang bagong lider subalit kailangan na makilatis pa ang mga ito ng maigi bago mahalal sa pwesto.

Hinikayat din nito ang mga kabataan na magparehistro na kasunod ng muling pagpapatuloy ng voter registration upang masimulan ang pagsusulong para sa good governance ng hindi na kailangan pang antayin ang susunod na national election sa taong 2028.

Gayundin, binigyang diin din ni Congressman Tulfo ang pagsusulong para sa good governance subalit naniniwala ito na hindi dapat na maipagpaliban pa ng mahabang panahon ang paghahalal ng mga bagong lider sa barangay at SK.

Bagkus sapat na aniya ang limang buwan mula sa nakatakdang Barangay at SK elections ngayong taon sa Disyembre upang makapaghanda ang Commission on Elections at electorate .

Ang panukala aniya na pagsasagawa ng Barangay at SK elections sa May 2024 ay magpapatagal lamang sa paghihirap ng mga mamamayan dahil sa hindi competent at hindi maayos na serbisyo ng kanilang local leaders.

Top