-- Advertisements --
Dumating na sa Palace of Westminster ang bangkay ni Queen Elizabeth II.
Nagkaroon ng programa mula sa Buckingham Palace patungong Westminster Hall.
Kasamang naglakad sa likod ng kabaong sina King Charles III, Prince William at Harry.
Sa pagdaan ng bangkay ay nagpapalakpakan ang mga tao na nakaantabay sa gilid ng kalsada at nagkaroon pa ng gun salute sa Hyde Park at pinapatunog ang Big Ben kada minuto habang dumadaan ang kabaong na kinalalagyan ni monarch queen.
Binuhat ng walong miyembro ng Grenadier Guards ang kabaong ni Queen Elizabeth habang papasok sa Westminster Hall.
Mananatili ang bangkay ni Queen Elizabeth sa Westminster Palace hanggang sa araw ng libing nito sa Setyembre 19 na idineklarang bank Holiday doon.