FFNarekober ang bangkay ng isang bihag ng militanteng Hamas mula sa Gaza ayon sa Israel military.
Ang naturang bitkitma ay kinilalang si Elia Toledano, 28 anyos na binihag ng Hamas noong October 7 attack sa katimugang bahagi ng Israel.
Si Toledano din ang isa sa mga indibidwal na dinukot mula sa Supernova music festival malapit sa border ng Gaza.
Wala namang detalye na inilabas ang Israel military kung paano o kung kailan ito nasawi subalit magsasagawa aniya ng identification procedure ang mga medics, military rabbis at forensic experts sa labi ng biktima.
Nang mangyari ang malagim na insidente sa naturang festival, kasama noon ni Toledano ang kaniyang kaibigan na dinukot din at kasama sa mga oinalaya noong December 1 bilang bahagi ng kasunduan sa pansamantalang tigil putukan.
Sa kasalukuyan, nasa mahigit 130 pa ang mga bihag na pinaniniwalaang nasa Gaza kung saan ilan sa mga ito ay idineklara ng mga awtoridad ng Israel na patay na.