-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng isang bangkay na natagpuan sa isang sapa sa Itogon, Benguet kamakailan.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni police Maj. Romel Sawatang, hepe ng Itogon Municipal PNP, na posibleng biktima ng landslide dulot ng bagyong Ompong noong nakaraang taon ang nahukay na bangkay.

Batay sa ulat, natagpuan ang naagnas nang katawan habang nasa gitna ng gold panning sa ilog.

Sa ngayon nasa isang punerary na raw sa Baguio City ang bangkay.

Nanawagan naman ang pulisya sa mga residente na nawalan ng kaanak noong bagyo na makipag-ugnayan para makilala ang biktima.