-- Advertisements --
Mahigit 20 Chinese nationals ang na-missing sa dagat matapos tumaob ang isang bangka sa baybayin ng Cambodia.
Lulan ng bangka ang 41 Chinese ngunit sinabi ni Preah Sihanouk provincial spokesman Kheang Phearom na nasa 18 lamang sa mga sakay ang nailigtas.
Sinasabi na ang mga Chinese workers na ito ay biktima ng trafficking.
Patuloy ngayon ang paghahanap sa mga missing habang dalawang Cambodians ang nahuli ng pulisya.
Iniwan ng mga ito ang kanilang bangka sa dagat.