-- Advertisements --
TUGUEGARAO CITY – Nanawagan ang isang grupo sa Kongreso na ratipikahan ang panukalang amiyenda sa ban ng mga bansang nagtatapon ng basura sa Pilipinas.
Ito’y kasunod ng panibagong insidente ng nadiskubreng garbage shipment sa Misamis Oriental.
Sa panayam ng Bombo Radyo iminungkahi ni Aileen Lucero ng EcoWaste Coalition na i-konsidera ng mga mambabatas sa amiyenda ang napagkasunduan ng Basel Convention.
Nakasaad kasi dito na hindi pwedeng mag-export ang developed countries ng hazardous wastes sa developing countries tulad ng Pilipinas.
Kung maaalala, dati ng nadiskubre ang tone-toneladang mga basura na in-export ng bansang Hong Kong, South Korea, Canda at Australia sa bansa.