-- Advertisements --

Inumpisahan na raw ng Bureau of Immigration (BI) ang pagpapatupad ng government ban sa deployment ng mga bagong hired na domestic workers sa Kuwait.

Ayon kay BI acting port operations division chief Grifton Medina, nagbigay na ng direktiba ang BI sa mga immigration officers sa iba’t ibang international ports na mahigpit na ipatupad ang ban na galing mismo sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Iginiit ni Medina na ang ban ay para sa lahat ng newly-hired household service workers (HSWs) na na-recruite at ide-deploy sa Middle Eastern emirate.

Ipinaliwanag nito na ang mga papaalis na Kuwaiti-bound HSWs na ang overseas employment certificates ay inisyu bago an cut-off noong Enero 3, 2020 ay valid pa rin para sa deployment at papayagan namang aalis.

Agad umanong ipinatupad ang ban matapos matanggap ng BI ang kopya ng Jan. 3 resolution mula sa governing board ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na nag-uutos ng partial deployment ban sa mga Filipino domestic workers sa Kuwait.

Sa naturang resolusyon, ipinatupad din ng POEA ang isang moratorium sa verification, accreditation at processing ng individual contracts at karagdagang job orders para sa HSWs.