-- Advertisements --
Agad nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi sakop ang mga balik-mangagawa program sa limitasyon ng bilang sa ipinatutupad deployment ng mga healthcare workers sa ibang mga bansa.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, para lang sa mga bagong pasok sa trabaho ang 5,000 limit sa deployment, upang hindi maapektuhan ang bilang ng sariling nating doctors at nurses sa ating bansa.
Sinabi ni Bello, hindi naman ito permanteng hakbang, lalo na sa ganitong may umiiral na pandemic.
Tiniyak ng opisyal na manunumbalik din sa normal ang lahat, sa oras na humupa na ang pagkalat ng sakit.