-- Advertisements --

Itinuturing ni Caritas Manila executive director Fr. Anton Pascual na ang ginawang pagbalasa sa mga namumuno ng Caritas Internationals bilang positibong hamon.

Kasunod ito sa naging pagpasya ni Pope Francis na alisin ang buong namumuno ng charity arm ng Roman Cahtolic Church.

Kabilang sa naalis sa puwesto si Cardinal Luis Antonio Tagle at itinalaga siyang commissioner patakbuhin ito hanggang makapili ng bagong mamumuno.

Paglilinaw ni Pascual na ito ay hindi makakaapekto sa pagiging malapit ni Tagle kay Santo Papa.

Naunang nilinaw ni Tagle na ang pagbalasa sa Caritas ay walang kaugnayan sa nangyayaring sexual abuse at problema sa financial management.