Nakapagtala pa rin ng bahagyang pag-angat sa preliminary data ang outstanding loans ng universal at commercial banks.

Ayon sa data ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), naitala ang 12.7 percent na pagtaas noong Abril.

Bagama’t mababa pa rin ito kung ihahambing sa record noong mga nakaraang buwan, magandang indikasyon na rin ito ng pagbangon mula sa malaking epekto ng COVID pandemic.

Maging ang bank lending para sa ibang sektor ay nakitaan din ng paglago sa panahon ng quarantine.

Gayunman, may mga negosyong lubhang tinamaan kaya labis itong nanamlay, kabilang na ang mining at quarrying (-5.3 percent), professional, scientific at technical services (-18.4 percent), pati na ang manufacturing (-1.3 percent).