-- Advertisements --

Agad na naapula ng mga rumespondeng bumbero ang nasunog na bahagi ng tore ng isang simbahan ng Barangay Lamao sa Limay, Bataan.

Pasado ala-sais nitong gabi ng Biyernes ng mangyari ang insidente kung saan agad na tumawag ng bumbero ang mga residente doon.

Itinuturong nasa likod umano ng panunuog ay ang lalakeng may deperensya sa pag-iisip.

Umakyat umano ito at sinindihan ang carpet ng nasabing simbahan.

Patuloy pa ring inaalam ng Bureau of Fire Protection ang sanhi at kung magkano ang kabuuang damyos ng insidente.