-- Advertisements --
NLEX BAHA

Puspusan ang paglalagay ng sandbags sa Tulaoc Underpass sa bahagi ng northbound ng North Luzon Expressway (NLEX).

Layunin nitong maharang pagpasok ng tubig upang regular nang makadaan ang mga sasakyan sa expressway.

Gagamit din umano ang mga otoridad ng pump upang matanggal ang tubig sa nasabing lugar.

Kung hihintayin kasi ang kusang paghupa ng baha, maaari pa itong tumagal ng mahigit isang linggo.

Samantala, mahigit dalawang kilometro na ang pila ng mga sasakyan nais makatawid sa bahaging iyon ng Tulaoc Underpass.

Ang southbound naman ng NLEX ay may nagkakaroon na rin ng pagbigat ng daloy ng mga sasakyan ngunit sa kabuuan ay moving pa rin naman ang mga ito.