-- Advertisements --

Good news para sa mga motorista mula Metro Manila South dahil binuksan na ng Metro Pacific Tollways Corporation ang bahagi ng C5 South Link Expressway ngayong araw.

May habang 2.2-kilometers ang binuksang segment ng naturang proyekto na babagtas mula C.P. Garcia Avenue sa Taguig City patungong Sucat sa Parañaque City.

Nagkakahalaga ng P1.6-bilyon ang bahagi ng C5 South Link Expressway.

Ito ay mula sa kabuuang P11-bilyon budget ng 7.7-kilometer project.

Sa ilalim ng proyekto, target na idugtong ang Cavite Expressway (Cavitex) sa C5 Road.

Inaasahan na sa huling quarter ng 2021 matatapos ang proyekto na magbibigay ng ginhawa sa 50,000 sasakyang bumibiyahe patungong Makati, Taguig, Las Piñas at iba pang siyudad sa Timog ng Metro Manila.