-- Advertisements --
Tuluyan ng naging bagyo ang tropical depression na “Rosal”.
Ayon sa PAGASA, na magdadala ng malakas na hangin ang nasabing bagyo sa mga lugar ng Batanes at Babuyan Islands.
Kasama rin na makakaranas ng malakas na hangin ang ilocos Norte, northern at eastern portion ng Cagayan maging ang bahagi ng Isabela.
Nakita ang sentro ng bagyo sa 570 kilometer ng silangang bahagi ng Tuguegarao City sa Cagayan o 580 km silangang ng Aparri, Cagayan.
Nagbabala ang PAGASA na magdadala ng malakas na pag-ulan ang bagyo sa malaking bahagi ng bansa.