-- Advertisements --
Napanatili ng bagyong Nanmadol ang kaniyang lakas kahit na wala pa ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa PAGASA, na inasaahan ang paggalaw ng bagyong Nanmadol sa west northwestward at inaasahan makapasok na sa PAR sa Biyernes ng umaga.
Nakita ang sentro nito sa 1,600 kilometer ng east northeast ng Extreme Northern Luzon na may taglay ng 120 km/hr at pagbugso ng 150 kph.
Agad din itong lalabas sa PAR ng Sabado ng madaling araw.
Wala aniya itong posibilidad na maglandfall at hindi makakaapekto sa lagay ng panahon ng bansa.
Palalakasin lamang nito ang habagat na siyang magdadala ng pag-ulan sa western sections ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao.